Wednesday, September 24, 2014

Oh the humanity


Hindi ko kailan man sinabing geek ako. Hindi ko kailan man in-identify ang sarili ko bilang fan boy.

Pero alam ko sa sarili ko na bata pa lang ako, parte na talaga ng pagkatao ko ang Comics, Video Games, Superheroes, etc. 

Baby Huey, Casper, Richie Rich, funny komiks, Ren and Stimpy, Pupung, Beerkada, Pugad baboy, sunday comics section ng Philippine star, Culture Crash, Kubori Kikiam... simula noong matuto ako magbasa ilan lang yan sa mga paborito ko.

At siyempre nandyan ang superhero genre.

Unang graphic novel na nabasa ko is the Death of Superman. Ipinahiram sa akin ito ng aking tito noong nagka-bulutong ako noong 5 years old ako. At mula noon na hook na ako.

Isa sa mga pinakatumatak sa akin ay yung After Eden na ipinahiram sa akin ng tropa ko nung 1st year college na pipinipilit ko maging peg sa aking mga relationships (pero fail)

Mayroon akong koleksyon ng action figures, Marami akong graphic novels, may mga t-shirt ako na may print ng aking paboritong karakter, buwan-buwan din ako bumibili ng comics para masubaybayan ko ang current story arc ng paborito kong karakter...kahit pa makailang ret-con pa, maka ilang relaunch, origin stories etc. bibili pa rin ako.... kasi gusto ko.

Pero biglang naglipana ang mga so-called "Legit" geeks...

Sila yung mga tipong mas marunong pa sayo.

Ako ok lang naman sa akin na dumami ang nagbabasa ng medium na ganito. Ok nga e. At least madadagdagan na ang sa tingin ko 5% lang ng populasyon sa mundo na like minded ko.

Pero ang hindi ko ma-gets ay yung mas legit na sila kaysa sa akin.

Lahat sila pormang fan boy (with the superhero designer shoes, superhero shirts, etc)
Nagdadate sila sa ng Dyowa niyang JOCK na "geek on the inside daw" sa Komik Con.
Mga "Legit" geeks na nagfefeeling na alam ang origin stories. Alam lahat! Golden age, silver age, bronze age ng comic books...

Taena, may nakakwentuhan pa ako noon na panget daw ang take ni chris nolan kay Bane sa TDKR. Mali daw kasi portrayal ni Bane kasi imortal daw siya at ayun daw ang Canon story ni Bane. (Referring to Batman Beyond daw siya. duh, there's a huge difference between comic book canon and the TV animation take) So kung legit ka, dapat alam mo yun.

Mayroon pa sa Social media na pinagyayabang na geeky ang BF/GF niya. awww so cute motherfucker.

I mean c'moooooooon. Sobrang na imbibe na nila ang geek/fan boy culture na mas LEGIT na sila sa amin.

Hindi ko gets ang society ngayon. Tingin nila ngayon kapag mahilig ka sa trip namin, super cool ka na. Date material ka. Boyfriend material ka kasi being geek nowadays is hip.

Noong bata ako how i wish na cool talaga ang pagiging geek no. I doubt na na-experience ng mga "Legit" geeks ngayon ang mapagalitan ng tatay nila kasi Comics ang binabasa imbes na school textbooks. 

I doubt na na-experience nilang ma-confiscate ang mga laruan, handheld gaming console at comics na ipinupuslit sa school activities.

I doubt na na-experience nila na ma-bully kasi gusto hiramin ni bully yung dala mo kasi gusto nila "basahin" pero gugusutin nila yung silky smooth pages ng binabasa mo. Worse pupunitin nila para gawing display sa desk nila (may kanya kanya kaming desk sa grade school noon)

Hay. so tell me, na-experience niyo ba yun?

So yeah, fuck you guys.



Sunday, September 21, 2014

Avatar

Exhausted. Old. Shabby. Damaged. To the point of being no longer usable.

Hi, I'm a Worn-out Sneaker.



Your mom's just dying to throw me.
Your maid even tried to wash me.
Your new boyfriend/girlfriend insists on replacing me.
Your friends make fun of me.
I'm your dog's chew toy.
I've seen better days...but why do you keep on using me?

Is it because you're too poor?

Maybe I'm your fashion statement?
Or maybe it's because of some sick sense of nostalgia that you just can't get rid of me?

I brood a lot. Usually reminiscing about the past. 

But don't get me wrong, it's not because i haven't moved on... It's just that i believe that my memories keep me grounded. Like some kind of reality check. 

So hi, I'm a Worn-out Sneaker.

"Nostalgia literally means the pain of an old wound. It's a twinge in your heart, far more powerful than memory alone." - Don Draper, Mad Men.